Wednesday, August 3, 2011

Kwento ni Mabuti

Warning: Hindi po siguradong ito ay nasa teoryang Feminismo ngunit sinuri ko po ito at napagtanto na ito ay nasa teoryang nasabi. Sa katunayan, bawat akda ay maaring naglalaman ng maraming teorya. 
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Teoryang Feminismo
Unang Akda
Ang Kwento ni Mabuti- Genoveva Edrosa Matute
I.            Tauhan
Lapad na Tauhan:
Mabuti- isang guro sa larangan ng Panitikan at malimit na tinuturan ang salitang “mabuti”. Matatag sa pagsubok sa buhay.
Anak ni Mabuti- Anim na taong batang babae na nais maging manggagamot ni Mabuti.
Mga Estudyante- mga mag-aaral na tinuturuan ni Mabuti sa Panitikan at pinagtitiisan ang paulit-ulit na kwento ni Mabuti tungkol sa anak.
Asawa ni Mabuti- mahihinuha natin na iniwan niya si Mabuti at ang kanyang anak para sa ibang babae.
Bilog na Tauhan:
Ang mag-aaral na umiyak sa sulok- isang batang naging malapit kay Mabuti at naging interesado sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti.

II.   Tagpuan
Sa isang pinaglumaan ng panahon na paaralan
III.Banghay
Panimulang Pangyayari
       Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod dahil sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.

Suliranin
          Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at pinatahan. Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng matinding damdamin sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.


Kasukdulan
            Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod na pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”. Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing, “Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.
Kakalasan
           Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.
Wakas
          Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

IV.              Mga Leksyon o Aral
v  Huwag kang makiapid.
v  Mahalin at maging tapat ka sa iyong pamilya.
v  Maging positibo ka sa lahat ng aspeto sa buhay.
v  Huwag mong itago ang iyong nadarama dahil hindi ito makatutulong.
v  Laging isipin na lahat ng bagay ay mabuti.
v  Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid.
v  Ang babae ay matatag sa mga problema lingid sa kaalaman ng mundo.

V.                      Bisang Pangkaisipan
-          Ang kababaihan ay tunay na matatag sa mga problema.
-          Dapat isipin natin na ang ating mga guro ay ating pangalawang magulang at dapat natin silang tulungan sa kanilang mga suliranin kapalit ng kanilang mga sakripisyo para sa atin.


VI.              Bisang Pandamdamin
-          Nahihiwagaan ako kay Mabuti dahil sa kanyang kinikilos. Sa mga nakasaad sa kwento, sa harap ng klase ay nakangiti siya ngunit tumatangis siya sa sulok ng silid-aklatan.  Naitatago niya ang kanyang damdamin at namamangha ako sa pagiging matatag at positibo niya.
-          Naiinis ako sa asawa ni Mabuti dahil iniwan siya si nito pati na rin ang kaniyang anak para lang sa ibang babae. Kaya siguro siya ay namatay dahil binalikan siya ng mga kasamaang ginawa niya.

VII.     Bisang Pangkaugalian
-          Dabat bigyan natin ng importansya ang ating mga kabiyak dahil sila ay kalahati na ng ating buhay.
-          Dapat igalang natin ang ating mga guro.
-          Dapat maging positibo tayo sa buhay tulad ni Mabuti.

VIII.                  Buod
                Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto de vista ng isa sa kanya ng mga estudyante.
Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya.
Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang umiyan rin.
Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.
Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng kaniyang buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.
wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan. 

16 comments:

  1. Thank you very much :D

    ReplyDelete
  2. buong galak kung banggitin ang taos-pusong pasasalamat sa pasusuri ninyo sa kwentong ito.. lubos itong nakatulong sa pag-unawa ko sa buong katauhan ng kwento..

    ReplyDelete
  3. walang anuman :) natutawa naman akong marinig iyan.. noong high school ko pa ito ginawa :))

    ReplyDelete
  4. Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
    Memeesteti─či

    ReplyDelete
  5. maraming salamat :)) ang laking tulong nito sa takdang-aralin ko :))

    ReplyDelete
  6. Thank you po :)

    ReplyDelete
  7. THANK YOU FOR YOUR INFORMATION ABOUT THIS STORY
    MAY THE LORD BLESS YOU A LOT


    Katherene

    ReplyDelete
  8. YOU HELP ME A LOT ABOUT MY HOMEWORK THANKS VERY MUCH


    KATHERENE

    ReplyDelete
  9. thank you! this helped a lot! =))

    ReplyDelete
  10. maraming daghang salamat sa tulong tabang na gi ibinigay hatag nyo nimo sa akin akoa

    ReplyDelete
  11. pinaunlad mo ang pilipinas ng konti, salamat!!

    ReplyDelete